Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntrySep 5, '07 5:54 PM
for everyone

I’ve always been indifferent to this kind of issue. Naaawa ako sa biktima, oo, pero hanggang dun lang. But to post it in my blog? I’ve never done it till now.

 

I am just too appalled of what had again happened. Cris Anthony Mendez. A student of NCPAG and as what I heard, running for cum laude. Another loss, another tragedy.

 

Nung pumasok ako ng UP, marami na akong naririnig tungkol sa mga frat wars and hazing. I’ve heard about deaths due to mistaken identity or horrifying initiation rites. Una sa lahat, BAKIT KAILANGAN MAY HAZING? Para patunayan kung gano ka katatag? Para patunayan na karapat-dapat ka na mapabilang sa grupo? Kapag nalampasan mo un ng buhay ka, swerte mo na… ganun ba un? Pag na-ospital ka o namatay ka, sorry na lang… tama ba? Buhay ang kapalit ganun ba? “Di bale nang magkalasog-lasog ang katawan mo o kahit mamatay ka pa, patakaran namin ‘toh eh, magdusa ka, di bale pag ka-brad ka na naming, handa rin naman kaming pumatay para sa’yo pag naagrabyado ka eh…”

Grabe. Yan ba ang tinatawag nyong ASTIG? Jan ba nasusukat ang tapang nyo? Bakit kapag nakapatay na kayo… nababahag mga buntot nyo at nagsisipagtago kayo? Asan na ang tinatawag nyong tapang? Sa inyo ba nanggaling ang buhay ng mga taong pinapatay nyo o sinasaktan nyo? Dahil ba siya ang gustong sumali sa “kapatiran” nyo eh binigyan na kayo ng karapatang gawin kahit anong gusto nyo sa kanya, kasama na ang patayin siya? Hanep.

 

Hayyyy… nakakagalit lang talaga. Hanggang kailan ba magpapatuloy ang ganitong tradisyon? Ilang buhay pa ang mawawala?

 

Nagkakaganito ako dahil I learned about the gory details of what had happened to Cris and some of the others who also died (before him) because of these horrific practices.

 

Galit ako dahil buhay na ang pinaguusapan pero parang wala lang sa kanila.

Galit ako. Un lang.


hotmameh wrote on Sep 8, '07
JUSTICE FOR CHRIS MENDEZ
LET US ALL CONTINUE PRAYING FOR JUSTICE
Add a Comment